Add parallel Print Page Options

14 At ang mga anak ni Jose ay nagsalita kay Josue, na sinasabi, Bakit ang ibinigay mo sa akin ay isang kapalaran at isang bahagi lamang na pinakamana, dangang malaking bayan ako, sapagka't pinagpala ako hanggang ngayon ng Panginoon?

15 At sinabi ni Josue sa kanila, Kung ikaw ay malaking bayan, sumampa ka sa gubat, at iyong malalawag doon sa iyong sarili ang lupain ng mga Pherezeo at ng mga Rephaim; yamang ang lupaing maburol ng Ephraim ay totoong makipot sa ganang iyo.

16 At sinabi ng mga anak ni Jose, Ang lupaing maburol ay hindi sukat sa amin; at ang lahat ng mga Cananeo na tumatahan sa lupain ng libis ay may mga karong bakal, sila na tumatahan sa Beth-san at sa mga nayon niyaon, at gayon din sila na nasa libis ng Jezreel.

Read full chapter